Miyerkules, Pebrero 14, 2018

How to be contented with your life

Siguro dapat magpasalamat ka dahil nandiyan ka sa harap mo ngayon na kasama mo ang iyong pamilya at kumpleto kayong nagmamahal sa ating Panginoon, wag kang mag-alala dahil nasayo na ang lahat, dahil hindi mo naman kailagnan ng magagarang kotse, bahay, laruan at iba pa. Mas okay pang makasama mo ang iyong pamilya na buo kayo at hindi kayo nagkakahiwalay di mo kailangan maging perpekto sa buhay, ang kailangan mo lang ay maging kuntento. Wag kang magpaapekto sa mga sinasabi nila dahil di tayo ginawa ng diyos na perpekto dahi alam niyang magkakamali at magkakamali pa rin tayo, ang kailangan mo lang ay magtiwala at manalig sa kanya. Huwag kang maging sakim dahil pwede itong maging kasalanan sa buong buhay mo. Maging kuntento ka sa buhay mo kung anong meron ka ngayon. Dahil di naman pera ang sukatan sa buhay ngayon. kailangan mo lang ay pagmamahal sa iyong pamilya at maging masagana ang iyong buhay.

Alam mo na mayroon ka ng lahat upang maging mapagpasalamat: isang mahusay na makabuluhang iba, isang mapagmahal na pamilya, magandang trabaho, at isang malusog na gumaganang katawan. Gayunpaman, pinananatili mo ang madamdam na damdamin na ang iyong mayroon ay hindi sapat. Sigurado, maaari kang maging mas maligaya sa pamamagitan ng paggawa ng ilang mga pagbabago sa buhay, ngunit ang pinakamadaling paraan upang maging kontento sa iyong buhay ay upang ayusin ang iyong pananaw at pang-araw-araw na mga pagkilos, na gagawin mo mas malamang na mapahalagahan ang mayroon ka.Kailangan mong mabuhay sa kasalukuyan na yan lang talaga ang mga kagamitan na meron ka. Kailangan mo magpasalamat sa kung ano ang mayroon ka. maniwala ka lang lagi sa sarili mo na kaya mo. dahil nandiyan nang diyos para sumuporta sayo

Ang pagiging kuntento sa sarili ay masaya dahil lahat ay pwede mong gawin. at uulitin ko wag kang magpaapekto sa iba, hayaan mo sila na kung anong meron sila, dahil ang mas mahalaga nandiyan ka at buhay ka. Nandiyan naman ang panginoon para suportahan ka sa mga  bagay na di mo kayang gawin. Sabi nga niya walang imposible kaya lahat ay kaya mo. Bilang isang may sapat na gulang, mayroon akong dalawang napaka-malungkot na beses sa aking buhay. Sa tuwing naalala ko ito ang mga naging desisyon ko dahil di ako masyadong kuntento kung anong meron ako at naghahanap pa ng mga ibang gagawin at ibang bibilhin kung di pa ako kuntento sa isang bagay na meron ako.   

Love Vs. Lust


Ano nga ba ang lust? At ano ba ang masamang epekto nito sa ating lipunan. Ang lust ay isang pagnanasa ng isang tao sa kanilang relasyon. Ang lust ay malaki ang epekto nito sa ating lipunan lalo't na sa dalawang magkasintahan. Dahil maaring tumagal sa anumang anyo nito katulad ng kasakiman para sa sekswalidad. Maari itong lumala ng lumala at isa rin ito sa dahilan kung bakit marami ang nagkakahiwalay na magkarelasyon. Ang lust ay hindi lang ginagawa sa kanilang karelasyon pwede rin itong gumawa ng matinding pagnanasa sa isang bagay o pangyayari na nagtatamasa ng dadamin ng isang tao. Ano naman ang pag-ibig? At bakit maraming tao ang nagmamahal ng sobra? Ano ang epekto nito sa ating lipunan? Ang pag-ibig ay pagmamahal ng isang tao umaabot sa kalaliman ng isang dadamin,libre lang ang umibig ng isang tao dahil dito ka kumukuha ng inspirasyon at pagganyak. Ang pag-ibig ay dapat hindi pinaglalaruan ito ay dapat pinapahalagahan at inaalagaan at malaki ang epekto nito sa atin, dahil sa panahon ngayon pag-ibig na ang iniiyakan.

Bakit ba masama ang epekto ng lust sa atin? dahil ito ay malaking kasalanan sa ating Panginoon. Ginawa niya tayo para ipakita natin ang nararamdaman sa ating mga kapwa. Oo hindi hindi tayo perpekto pero bakit mo pagnanasahan yung kapwa mo na hindi naman dapat talaga, Siguro sa panahon natin ngayon hindi na pag-ibig yung ginagawa nila na kasiyahan, Sa lust nalang sila nagpapaepekto at umaasa. Bakit nga ba? dahil marami na ang nakikitang ganitong isyu sa ating mga social media at telebisyon. at marami at menor de edad na sumasangkot sa isyu na ito, hindi na nila iniisip yung mga kapakanan nila pag ginawa nila ito. O kaya dahil sa kanilang mga kapwa na sangkop sa isyu na ito, gumagawa sila ng paraan para makaimpluwensya ng mga tao na walang ka alam-alam dito. Bakit ba maganda ang dulot ng love sa atin? dahil nakakabigay ito ng magandang buhay para sa ating mga pangarap dahil isa ito sa mga ginagawang inspirasyon ng mga tao sa kanilang mga kaibigan,pamilya,kamaganak at iba pa.

Ang pagnanasa ay pwede itong matigil sa isang tao kung kaya mo ito panghawakan, pero bakit ginagawa pa din nila ito kahit alam na nilang mali? Siguro dahil ,mas nakasanayan na nila ito at iba iba ang kanilang  paniniwala at paninindigan sa kanilang sarili. Para mawala ang pagnanasa ng isang tao sa kanilang kapwa o sa anumang bagay siguro mas magpokus muna sila sa kanilang mga dapat gawin, syempre sa tamang daan na may mayroong patutunguhan para kahit papaano hindi ito nakakaepekto sa kanilang mga sarili, mahirap itong pigilan dahil nakasanayan na nila ito. Pero nasayo naman ito kung ipagpapatuloy mo o Ang pag-ibig pwede itong mawala pero, masakit ito kung ipagpapatuloy mo itong mawala sa buhay mo. Siguro yung pagkakaparehas nilang dalawa ay maari silang maganap sa isang relasyon at maari nila itong gawin kung kailan man nila gusto. Ang lust masama sa mata ng ating Panginoon pero kung magmamahal ka ng tapat at ibibigay mo ito sa ating Panginoon siguro ikaw na yung taong pinakabless at maswerte. Ang pag-ibig hindi dapat winawala dahil ito ang magbibigay ng daan sayo patungo sa gusto mong makamit. 

Think Before You Click


Nandito tayo sa henerasyon ngayon na puro social media nalang ang isyu, bakit nga ba marami ang naadik sa mga internet? Dahil mas gusto nilang makalanghap pa ng maraming impormasyon partungkol sa nangyayari ngayon. At sa scoial media nalang sila nakakapaglabas ng sama ng loob o saya. Malaki ang epekto ng Social media sa ating bansa dahil marami ang tao ang nakatutok dito at nakaabang sa mga susunod na mangyayari sa atin. Oo alam naman natin na malaki ang tulong ng social media dahil dito tayo umaasa sa mga asignatura, takdang aralin at iba pa sa madaliang gawaaan. Pero para sa akin siguro mas okay na muna na lagyan natin ng limitasyon sa pag-gamit o pagtu-tok lagi ng social media, dahil isa rin ito sa epekto kung bakit maraming istudiyante ang naadik sa mga internet di na sila masyado nakapokus sa kanilang mga pag-aaral. Bakit nga ba nagkaroon ng katagang na "Think Before You Click? dahil milyon-milyon ang tao sa buong mundo ang nagtitipon sa mga site ng social networking upang magbasa at magbigay ng opinyion. Malaki ang pagimpluwensya nito sa ating bansa, marami ang maapektuhan dahil marami na ang pabaya. Tulad ng mga gumagamit ng internet, hindi mo naman kailangan magpost ng pwedeng makakaapekto sa mga buhay niyo at syempre sa iyong kapwa. Kaya nga "Think Before You Click" kailangan mong panghawakan yung mga ginagawa niyo sa social di mo.

Siguro bilang isang istudiyante kailangan mo munang pag-aralan yung mga hindi makakaapekto sa iyo o sa anumang tao,dahil kailangan mo munang mag-isp ng mga sasabihin mo sa social media dahil hindi lahat ay pwedeng sabihin. At syempre di mawawala yung maging masuri sa pagpili ng iyong mga gagawin pag dumating sa punto na may nakita kang na hindi na inaasahang na pwedeng makasama. kailangan mo munang maging sigurado kung tama ba ang mga gagawin mo sa mga sa susunod. Dahil hindi lahat ng bagay ay tama ang mga desisyon mo dahil ito ay nagbibigay sa iyo ng tamang daan. Dapat lahat pinagiisipan kailangan mo lang maging maayos ang tingin mo sa iyong kawpa. At dahil dito marami na rin ang mga naiimpluwensyahan dahil sa pag-gamit ng social media. Dapat lahat ng bagay ay pinagiisipan ng mabuti dahil bago mo ito i-click alam mo na ang mga dapat gawin kung ito ba ay nakakatulong o nakakasama lang sa iyo. Marami rin ang isyu patungkol sa mga hindi dapat nilalagay sa social media pero dahil nakasanayan na nila na pumindot ng pumindot kung saan saan, hindi na nila alam kung tama ba ang ginagawa nila. Hindi na nila inisip kung ano ba ang magiging epekto nito sa ating mga tao. Huwag tayong magpa-epekto sa dapat naman hindi dahil pwede silang magpaimpluwensya ng masama sa atin. So ayun nga kaialangan lang natin maging masuri sa mga ginagawa natin.

Ang internet at Social media ay malaki ang epekto sa atin. binigyan tayo ng kalayaan para baguhin natin yung bawat sarili pero wala mas okay pa sa kanila ang magkaroon ng pagkakamali. Paalala lang huwag niyong kalimutan na tayo ang gumagawa nito at nagpapatakbo. Dahil dito marami ang nadadamay na wala naman talagang kinalaman sa isyu nito. Siguro yung kaialangan natin para masolusyonan ang isyu na ito, kailangan natin limitahan ang mga pinaggagawa natin dahil kung hindi tayo maalala, maaari nating sirain ang buhay. Mayroon kaming kapangyarihan upang makagawa ng desisyon. Bago i-click ang ipasok ang key, mag-isip. Wag basta basta lokohin ang mga sasabihin sa internet dahil di lang ikaw o ang iyong kaibigan ang mga makakakita neto kundi ang buong mundo wag natin lokohin ang mga sasabihin natin dahil maari tayong makasakit ng damdamin. Isipin mo muna yung mga tao na nakapaligid sayo kung makakaepekto ba ito o hindi.

Sabado, Agosto 13, 2016

08/08/16
Ako po si Roderick Garcia ikwe-kwento ko ang mga nangyari sa akin mula lunes hanggang biyernes nung monday gumising ako ng 6:00 am para mag almusal kasama pamilya ko tapos naligo na din ako after nun pumasok na ako na ako sa school basang basa ako kasi umuulan tapos nag start na yung klase nag devotion si Maam Marivic at nag seatwork kami tungkol sa sketching after nun nag graded recitation kami sa mapeh then after ng mapeh nag recess na kami at ang kinain ko dewberry tapos ng recess nag math na kami ni record na ni sir yung mga grade namin sa recitation tapos nun nag
bunutan na kami para sa bago naming partner sa 2nd quarter at ang naging letter b ko si ivan tapos nun nag english na tapos ng english nag lunch na kami tapos tinawag ko si gab para mag lunch dun sa baba at yung kinain namin tapsilog then nag science na kami gumawa kami ng journal tapos nag filipino kami after mag lesson ni maam pinagpractice nya kami para sa sabayan pagbigkas. after nun nag nag practice ulit kami ng sabayan sa 4th year jude tapos binasagan ng itlog si aey sa ulo kasi birthday niya nun tapos nakauwi na kami ng 4:30 tapos kumain ako ng miryenda at nag pahinga tapos nung gabi nanood muna ako ng dolce amore tapos natulog na ako.

08/09/16
Malakas ang ulan kaya chineck ko yung balita sa tv kung may pasok pero may pasok parin kaya nagmamadali na akong kumilos baka kasi malate ako. at nun pumasok ako mejo malakas parin yung ulan nag devotion parin si maam marivic tapos pinagawa kami ng margin sa long bondpaper tapos nun time na si sir mik nag discuss siya tungkol sa aming project tapos nun nag recess na kami bumili ulit ako ng dewberry tapos nun nag math na kami nag pa plus points si sir randel para sa quiz at naka 3 points ako nun tapos nun nag english na habang didicuss si maam ainyleen tinawag siya ni maam daisy tapos yung pag pasok niya sabi niya class, suspended ang klase kaya nag hiyawan kami syempre suspended ang akala namin diretso uwi kaso sinabi nila na gagawa ng props kala carl then tumambay muna kami kala carl tapos namin gumawa ng props nakauwi na ako 3:00 tapos naglaro ako ng dragonball xenoverse kasama ko kuya ko tapos nun nagpahinga na ako tapos nanood ulit ng dolce amore tapos natulog :D 

08/10/16
 Malakas na naman yung ulan hindi ko alam na walang pasok kaya nagising ako ng 7:00 am ang akala ko late na ako kasi ang alam ko may pasok tapos nag computer lang ako then nag laro ulit ako ng dragonball tapos may nag chat sa gc na may practice daw sa school hindi ako nakapunta kasi malakas yung ulan akala ko hindi na sila natuloy tapos nanood lang ako ng tv kasama pamilya ko tapos kumain ako ng bananacue kasi yun miryenda namin tapos natulog na ako :D 

08/11/16
At yun akala ko ulit walang pasok :D kaso meron na. tapos nag drawing kami sa tle ng mg kinds of lines tapos nun nag ap kami papagawa sana kami ng project kaso wala kaming mga dala kaya pinagpractice nalang kami para sa sabayan pagbikas ni maam shiela tapos nun pinagawa kami ng graph. then nag math kami nag quiz kami sayang nagkamali ako sa pagkuha ng vertex :( tapos nung time na ng english pina activity kami ni maam ainyleen gumawa daw kami ng commercial tapos nun biogesic yung commercial namin. tapos nun nag lunch kami pumunta ako sa baba para kumain ng tapsilog kaso wala akong kasama kaya lonely lang ako :( tapos nun nag science na kami nag moving exam kami tapos filipino na then uwian na ang akala ko may practice yun pala wala kaya nagpahinga muna ako umuwi agad ako sa bahay ng maaga tapos natulog :D

08/12/16
Dahil friday na may flag na naman kami sa classroom kaya nag mamadali ako pumasok kasi pag na late ako baka pag flagin ako mag isa tapos nag tle na pinagawa kami ng mga letters tapos nun nag ap na pinagawa kami ng project tapos nun nag mapeh na dahil PE namin nag zumba kami then nag quiz kami sa english tapos nag computer na eto na yun gumagawa kami ng blog para sa project sa computer dahil 3 days lang ang binigay na deadline gumawa na agad ako :D