Miyerkules, Pebrero 14, 2018

Love Vs. Lust


Ano nga ba ang lust? At ano ba ang masamang epekto nito sa ating lipunan. Ang lust ay isang pagnanasa ng isang tao sa kanilang relasyon. Ang lust ay malaki ang epekto nito sa ating lipunan lalo't na sa dalawang magkasintahan. Dahil maaring tumagal sa anumang anyo nito katulad ng kasakiman para sa sekswalidad. Maari itong lumala ng lumala at isa rin ito sa dahilan kung bakit marami ang nagkakahiwalay na magkarelasyon. Ang lust ay hindi lang ginagawa sa kanilang karelasyon pwede rin itong gumawa ng matinding pagnanasa sa isang bagay o pangyayari na nagtatamasa ng dadamin ng isang tao. Ano naman ang pag-ibig? At bakit maraming tao ang nagmamahal ng sobra? Ano ang epekto nito sa ating lipunan? Ang pag-ibig ay pagmamahal ng isang tao umaabot sa kalaliman ng isang dadamin,libre lang ang umibig ng isang tao dahil dito ka kumukuha ng inspirasyon at pagganyak. Ang pag-ibig ay dapat hindi pinaglalaruan ito ay dapat pinapahalagahan at inaalagaan at malaki ang epekto nito sa atin, dahil sa panahon ngayon pag-ibig na ang iniiyakan.

Bakit ba masama ang epekto ng lust sa atin? dahil ito ay malaking kasalanan sa ating Panginoon. Ginawa niya tayo para ipakita natin ang nararamdaman sa ating mga kapwa. Oo hindi hindi tayo perpekto pero bakit mo pagnanasahan yung kapwa mo na hindi naman dapat talaga, Siguro sa panahon natin ngayon hindi na pag-ibig yung ginagawa nila na kasiyahan, Sa lust nalang sila nagpapaepekto at umaasa. Bakit nga ba? dahil marami na ang nakikitang ganitong isyu sa ating mga social media at telebisyon. at marami at menor de edad na sumasangkot sa isyu na ito, hindi na nila iniisip yung mga kapakanan nila pag ginawa nila ito. O kaya dahil sa kanilang mga kapwa na sangkop sa isyu na ito, gumagawa sila ng paraan para makaimpluwensya ng mga tao na walang ka alam-alam dito. Bakit ba maganda ang dulot ng love sa atin? dahil nakakabigay ito ng magandang buhay para sa ating mga pangarap dahil isa ito sa mga ginagawang inspirasyon ng mga tao sa kanilang mga kaibigan,pamilya,kamaganak at iba pa.

Ang pagnanasa ay pwede itong matigil sa isang tao kung kaya mo ito panghawakan, pero bakit ginagawa pa din nila ito kahit alam na nilang mali? Siguro dahil ,mas nakasanayan na nila ito at iba iba ang kanilang  paniniwala at paninindigan sa kanilang sarili. Para mawala ang pagnanasa ng isang tao sa kanilang kapwa o sa anumang bagay siguro mas magpokus muna sila sa kanilang mga dapat gawin, syempre sa tamang daan na may mayroong patutunguhan para kahit papaano hindi ito nakakaepekto sa kanilang mga sarili, mahirap itong pigilan dahil nakasanayan na nila ito. Pero nasayo naman ito kung ipagpapatuloy mo o Ang pag-ibig pwede itong mawala pero, masakit ito kung ipagpapatuloy mo itong mawala sa buhay mo. Siguro yung pagkakaparehas nilang dalawa ay maari silang maganap sa isang relasyon at maari nila itong gawin kung kailan man nila gusto. Ang lust masama sa mata ng ating Panginoon pero kung magmamahal ka ng tapat at ibibigay mo ito sa ating Panginoon siguro ikaw na yung taong pinakabless at maswerte. Ang pag-ibig hindi dapat winawala dahil ito ang magbibigay ng daan sayo patungo sa gusto mong makamit. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento